in

Anne Curtis nalalapit na ang pagbabalik sa pag-arte, open pa din sa daring roles kahit may asawa’t anak na

Magababalik telebisyon na ang nag-iisang DYOSA ng Philippine showbiz na si Anne Curtis.

Ibinahaging muli ni Anne Curtis ang nabago sa kanyang buhay magmula ng siya ay maging ganap na mommy na. Pero ayon sa aktres hindi nito mababago ang mga roles na kailangan niyang gampanan.

Sa panayam ng aktres sa Preview Magazine, hinalintulad niya ang kanyang sarili sa Hollywood actress na si Nicole Kidman. Na aniya’y nagagampanan pa din ang iba’t-ibang characters on screen kahit may anak na ito.

Saad ni Anne, “Look at Nicole Kidman. It’s also very hard because I know the culture here is very different, right? Yeah, naiiba din. But for me personally, I won’t let it change my passion as an actress. And as an actress, you should always be open to taking on a challenge for any role.”

Bagamat kailangan pang maghintay ng konti ang kanyang mga fans para sa kanyang pagbabalik sa pag-arte. Sinabi naman ni Anne na marami ng offers sa kanya.

“There are a lot of projects that have been pitched so I’m very excited to share that with everyone once everything is confirmed and the ball starts rolling again.”

Bilang halos dalawang dekada na sa showbusiness, natanong si Anne kung mayroon pa rin siyang career bucket list.

“I think there are still a few things that I want to do, but at the same time, I think I have more dreams for my family. When it comes to future planning, my family now is my top priority. But that doesn’t mean that I will forget my dreams, right? They’re still there. I’ll let you know when they happen,” saad nito.

Matatandaan, halos dalawang taon ding nagshowbiz hiatus si Anne para mag focus muna sa kanyang baby Dahlia Amelie.

Aljur Abrenica binansagang ‘tirador ng mga anak ng action stars’ ng mga netizens

Madam Inutz nag-eempake na para sa pagpasok sa PBB, mga staff naloka sa gamit na dadalhin niya