in

Anne Curtis inanunsyo na ang kanyang pagbabalik sa showbiz matapos ang pamamahinga ng dalawang taon

Comeback is real na nga para sa Kapamilya actress tv host na si Anne Curtis.

Matagal tagal din hinintay ng madlang pipol ang pagbabalik-showbiz ng nag-iisang Dyosa ng Philippine showbiz.

Kaya naman marami na sa kanyang mga fans ang nasasabik sa muli niyang pagbabalik sa industriya. Excited na sila ulit na makita si Anne sa kanilang mga tv screen at maging sa big screen.

At para tapusin ang matagal na ngang paghihintay ay inanunsyo na ni Anne ang kanyang pagbabalik.

Sa kanyang Instagram post noong nakaraang Sabado, nagbahagi si Anne ng isang teaser video. Para sa nalalapit niyang concert.

Ani Anne sa caption, “A very special docu-concert for everyone I LUV! Join me as I share bits and pieces of my life in the past two years. Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances! G? LuvANNE na LuvANNE na! I’m vack mga vaaaacks!!! Luv-Anne!”

Sa nasabing docu-concert ay ibabahagi ni Anne ang mga importanteng ganap sa kanyang personal na buhay in the past two years, ang mga taon kung saan nag-concentrate ang aktres sa pagiging asawa ni Erwan at ina ni Dahlia.

Ito ay ipapalabas sa pamamagitan ng streaming sa KTX.ph at Vivamax sa April 30 ng 8 p.m.

Isa ka din ba sa excited sa comeback ng Dyosa?

Jimmy Santos sinubukan maging barker ng jeepney sa Angeles Pampanga

AJ Raval dedma na sa mga b4shers, may bago ng rule para sumaya ang kanyang buhay