in

Angeline Quinto sumabak na din sa online live selling umabot ng 4M ang viewers

Nag-ala Madam Inutz sa pagla-live selling ang Kapamilya singer actress na si Angeline Quinto.

Usong uso na nga ngayon ang pagtitinda online. At Facebook ang pangunahing platform para sa live selling.

At ito nga ang sinubukan ni Angeline kamakailan. Through live selling, ibinenta niya ang kanyang mga Preloved stuffs.

Gaya ng mga designer bags, sapatos, damit, at marami pang iba. Ang ilang kagamitan ay as low as 300 pesos lang ang presyo.

Sa mga designer bags naman na ang presyo ay halos nasa 100 thousand pataas. 25 thousand lang ang benta ni Angge.

Sa huli ay laking tuwa at pasasalamat niya na naubos ang lahat ng items na inoffer niya.

Aniya, “Maraming salamat mga ka twinkle ko. Sa susunod na online live selling ulit. Ubos na po lahat hehehe.”

Sa isa niya ring post, ibinahagi ni Angge na umabot sa 4 million views ang kanyang live selling. Na talaga namang ipinagpasalamat niya.

Kaya naman ipinangako ni Angge na sa susunod na taon ay marami pa siyang items na ibebenta.

Hindi naman tinukoy ni Angge kung saan niya ilalaan ang mga kinita niya sa online live selling.

Kung para nga ba ito sa charity or may iba pang dahilan. Pero sa malamang ay para din iyon sa pangangailangan ng kanyang paparating na baby.

Panoorin dito ang replay ng live selling ni Angge:

Ynez Veneracion nagpasalamat sa oras na inilaan ng dating partner na si Toto Mangudadatu para sa kanilang mag-ina

Lyca Gairanod proud na ipinasilip ang simpleng bahay na naipatayo niya para sa kanyang pamilya