in

Angeline Quinto, May Plano Nang Mag Online Selling Dahil Sa Dami Ng Damit Na Hindi Na Sinusuot

Sa panahon ngayon, madami na ang pinapasok ang online selling.

Dahil nga sa pag usbong ng teknolohiya at social media platforms, marami na ang gumagamit nito para kumita.

Katulad na lang ng live selling sa Facebook kung saan pwede mamili ang mga tao.

Isa na din si Angeline Quinto na nag pa-plano na subukin ang live selling.

Sa kanyang vlog na naka upload sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ng singer actress sa kanyang nga subscribers ang mga damit na hindi na niya ginagamit.

Ayon sa Kapamilya artist, nagbabalak na siya ibenta ang mha gamit na hindi na niya kailangan o hindi na magagamit.

Syempre, marami talaga mga outfits ang mga artista tulad ni Angeline na kabi-kabila ang projects.

“So eto na nga sasampolan natin kung ano-ano ang mga ipapa Live Online selling ko matapos nating mag-empake na sa bahay! Mga gamit ko lang to guys, hindi kasama ang kay Mama Bob! May magmo-model din sa atin kung gusto nyong i-Mine pwede din naman! Lets do this!” saad ni Angeline sa caption.

Ilan sa mga pinakita ni Angge ay ang tops, dress, shoes, sandals pati na ang mga bags.

Sabi pa niya, “Dahil nga po nag pa-plano ako ng online live selling. Ibebenta po namen ng online lahat ng mga gamit ko po na nandito ngayon sa bahay namin.

Actually lahat ng nakikita po ninyo, baka lahat po ito makakasama online live selling na maibebenta natin.”

Malakas na talaga ang live selling ngayon lalo na kung magaganda at affordable ang mga items.

John Lloyd Cruz Sa Anak Na Si Elias: “Utang ko ang buhay ko sa anak ko”

Anak nina Hayden Kho at Dra.Vicki Belo na si Scarlet Snow Belo nakapagtapos na sa pre-school