in

Angeline Quinto ipinasilip ang nabiling property sa Alfonso Cavite

Proud na ipinakita ni Angeline Quinto ang nabili niyang lupain sa Alfonso Cavite mula sa naiwang pera ng kanyang ina.

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Angeline ang kanyang pagbubuntis sa publiko. Ipinakilala na din niya ang ama ng kanyang magiging first baby.

Ngunit kahit pa man buntis siya ngayon, hindi ito naging hadlang para tuparin ang kanyang mga pangarap. At ang mga pangako niya sa kanyang Mama Bob.

Sa kanyang vlog, proud na ibinahagi ni Angeline na nakabili na siya ng lupain sa Alfonso Cavite. Laking tuwa daw niya ng mabili niya ang nasabing property.

Dahil ang lugar ay malapit sa Tagaytay na isa sa pinaka paborito nilang lugar ng kanyang Mama Bob.

Noong una ay wala na talaga iyang balak na maalal pa ang lugar na mga pinupuntahan nila ng namaalam na ina. Dahil nanunumbalik lang ang sakit tuwing bumabalik ito sa kanyang isipan.

Pero naisip niyang baka mas lalo lang malungkot si Mama Bob kung sakaling patuloy na lamang siyang mababalot ng kalungkutan.

“So, ngayon ay gusto ko pong ibahagi sa inyo na mayroon kasing naiwan si Mama Bob na kaunting money sa akin. Iniwan niya ‘yon sa akin at naisip ko na baka pwede ko pong dagdagan kahit papa’no sa naipon ko para makapag-invest po ako ng magandang property dito po sa Alfonso, Cavite. Kasi ang Alfonso, Cavite po ay napakalapit din sa Tagaytay, hindi mahirap puntahan,” saad ni Angge.

Ipinakita rin ni Angeline sa kanyang vlog ang propery na kanyang binili, kasabay nito ay ibinahagi niya sa marami niyang mga tagasubaybay kung bakit maganda at wais na desisyon ang pag-invest sa real estate.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

Toni Fowler ipinasilip na sa kanyang mga fans ang resulta ng muli niyang pagpaparetoke

Cristy Fermin tinawag na “epal” ang tatay ni James Reid dahil sa Instagram post nito!