in

Angelica Panganiban nagpost ng larawan ng hilaw na mangga, naglilihi na nga ba talaga?

Mas lalong umugong ang balita na buntis na nga si Angelica Panganiban dahil sa kanyang Instagram Stories.

Wala pang official statement na inilalabas si Angelica ukol sa balitang buntis na daw siya. Sa magiging panganay nila ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Unang lumabas ang balitang nagdadalangtao na ang aktres ilang araw pa lang nakakalipas. Ayon kasi sa ilang ulat ay tumanggi muna ang Kapamilya actress na tumanggap ng bagong project.

Siya kasi dapat ang leading lady ni Piolo Pascual sa sitcom na  ‘My Papa Pi’ pero dahil nga daw buntis na si Angge ay pinalitan na siya ni Pia Wurtzbach.

Ang pagbubuntis din umano ni Angelica ang isa sa dahilan kung bakit nagkaroon sila ng mini reunion. Ng mga kaibigan niyang sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Dimples Romana, at Anne Curtis.

Samantala, kahit pa nga wala pang opisyal na pahayag si Angge ukol sa balitang ito. Tila unti-unti namang nagbibigay ng hint ang aktres na buntis na nga siya.

Sa kanyang latest Instagram stories kasi ay larawan ng manggang hilaw ang kanyang ibinahagi. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na ang manggang hilaw ay isa sa mga madalas paglihihan ng mga kababaihan.

Kaya ayon sa mga netizens ay ito daw ang paraan ni Angelica para sabihin sa madla na siya nga ay buntis ng talaga!

Rhian Ramos sinorpresa ang mga tao sa Bacolod nang lumabas sa hotel para bumili ng taho

Cesar Montano lubos ang kasiyahan nang muling makabonding ang apat niyang anak