in

Angel Locsin naiyak na lang at natawa ng tikman ang naging lasa ng kanyang niluto

Hindi maipaliwanag ni Angel Locsin kung ano ang magiging reaksyon niya sa lasa ng kanyang niluto.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Angel ang mga bagay na pinagkaabalahan nya. Ngayong may kinakaharap pa din na pandemya ang bansa.

At ang isa na nga dito ay ang pag-aaral niya sa pagluluto. Bilang buhay may asawa ay sinusubukan ni Angel na matutong magluto.

Para nga naman mahainan niya din ng sarili niyang luto ang kanyang mister na si Neil Arce.

Ibinahagi niya rin ang video clip habang tinitikman niya kung ano nga ba ang kinalabasang lasa ng kanyang putahe.

Ani Angel sa kanyang IG post, tried to cook! Here’s my very “subtle” review on my masterpiece”

Makikita naman sa nasabing video clip ang nakakatuwang reaksyon ng mukha ni Angel habang tinitikman ang kanyang lutuin.

Tila dismayado at naiyak na lamang sa kakatawa ang aktres dahil mismong siya ay hindi nasarapan sa lasa.

“Maasim, hindi siya masarap,” saad ni Angel habang hindi na magkamayaw sa kakatawa.

Tuwang tuwa naman ang mga netizens at pati na rin ang mga kaibigan niya sa industriya sa naging reaksyon ng aktres.

Hahahah nako turuan kita,” komento ni Marian Rivera.

“Nakakahawa tawa mo,” saad naman ni Angelica Panganiban.

Ayon naman kay Bea Alonzo, “Nkakatawa ka gel!! hnd mo talaga kinaya!”

“Yung sinigang ba naging adobo paps?” nakakatuwang tanong naman ni Janus Del Prado.

Tawang tawang saad naman ni Billy Crawford, “Mukang masarap dahil na papa tawa ka sa subo!”

Pati na din sina Chito Miranda, Dimples Romana, Iya Villania, at marami pang iba ay tuwang tuwa sa video na ito ni Angel.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Joshua Garcia ipinakilala na si Joshua Garcia bilang leading man niya sa Darna TV series

Aljur Abrenica binansagang ‘tirador ng mga anak ng action stars’ ng mga netizens