in

Angel Locsin muling kinabiliban dahil sa pasimpleng pagtulong nito sa isang tatay sa ospital

Maraming netizen ang muling humanga kay Angel Locsin.

Ito ay nang makita siya habang tinutulungan ang isang lalaki na umiiyak habang nakaupo sa ospital na pinuntahan ng aktres.

Sa video na ibinahagi sa Twitter ay makikita si Angel habang nag aabot ng pera.

Sa nasabing lalaki na diumano’y kulang ang pambayad sa ospital.

Makikita na tila sinimot ng aktres ang laman ng kanyang wallet, ngunit nagbiro pa ito na magtitira siya ng 20 peso bill dahil ito daw ay ‘pampaswerte’ niya.

Ayon sa netizen ay hindi siya makapaniwala na nakita niya ng personal ang kabutihang loob ng aktres.

Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions ginawa niya. Myghaaad. Sana marami pang katulad niyo!!! Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu”

Hindi naman sinabi kung saan ito at ano ang kundisyon ng bata kung bakit napaiyak na lamang ang ama.

Sa maiksing video ang makikita si Angel na nakasuot ng pants at puting longsleeves.

Dali-dali naman nagpaalam si Angel matapos niya itong mabautan ng tulong pinansyal. Natulala na lamang ang lalaki sa kabutihang pinakita ng aktres.

Likas na ang pagiging matulungin ni Angel at hindi ito nawawala kapag maraming tao ang nangangailangan ng tulong.

Kaya nga nabansagan siya na real life Darna dahil lagi siyang handang tumulong sa mga nangangailangan.

Hinirang din siya bilang Heroes of Philantrophist ng Forbe’s Asia.

Kudos Miss Angel Locsin!

Pokwang inalala ang buhay tindera niya sa Antipolo noong bata pa lamang siya

Ellen Adarna inamin kung sino ang aktor na kinahuhumalingan niya mula pa noon