in

Angel Locsin at Neil Arce ibinahagi na ang buong pangyayari sa kanilang civil wedding

Isinapubliko na ng newlywed couple na sina Angel Locsin at Neil Arce ang kaganapan sa kanilang kasal.

Sa kanilang latest vlog sa YouTube, ibinahagi nila Angel at Neil ang video ng kanilang civil wedding.

Sa panimula ng kanilang video, nasabi ni Angel na wala sa plano nila na ipakita ito in public. Pero madami umano sa kanilang mga fans ang nagre-request dito.

Kaya naman tinugunan nila ang hiling ng mga ito at napagdesisyunan na ibahagi ang kaganapan sa kanilang kasal.

Ikinwento din ng bagong kasal ang mga pangyayari bago maganap ang kanilang most awaited wedding.

Ayon kay Neil, taong 2019 pa talaga siya nag-propose kay Angel. Nagpaalam muna siya sa ama nito na inakalang business proposal ang pag-uusapan.

“2019 a week beore father’s day, right after kong bilhin yung ring, pumunta agad ako sa daddy niya sabi ko daddy magpo-propose ako,” kwento ni Neil.

Tapos sabi ni Ate Ella, daddy magpapakasal na sila. ‘ay good good good’ gumanon naman so sobrang nawala ‘yung burden sa shoulders ko siyempre ‘good’ ang sinabi ng daddy niya,” dagdag pa nito.

Makikita sa video na parte ng kanilang vlog ang simple pero nakakatuwang proposal ni Neil kay Angel.

Na ng mga panahon na iyon ay hindi pa makapaniwala na inaalok na siya ng kasal ng kanyang nobyo pa lamang noon.

“Totoo talaga ‘tong anong ‘to,” maririnig na tanong ni Angel kay Neil.

Natatawang sagot naman noon ng binata, “Oo nga, nakaluhod na… Will you marry me?”

Madaming netizens naman ang kinilig sa simple ngunit sobrang meaningful na araw na iyon para sa kanilang mga idolo.

Lalo na ang simpleng kasalang naganap na makikita ang tunay na kasiyahan ng real life Darna ng  lahat.

Panoorin dito ang kanilang video:

Viral Online seller na si Madam Inutz ipinakita ang kanyang nanay na isa sa inspirasyon niya para kumayod

Coco Martin, Todo Ang Protekta Kay Julia Montes Sa Kanilang Taping Matapos Matumba Ang Motor Na Sinasakyan Ng Aktres!