in

Andrea Torres pang international na, bibida sa isang Argentina film na ‘Pasional’

Gaganap bilang isang tango dancer ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa upcoming Argentinian film.

Kasalukuyang nasa Argentina si Andrea ngayon para sa shooting ng isang international film. Siya lang ang bukod-tanging Filipina na nasa cast ng “Pasional” movie ng Malevo Films.

Sabi nga ni Andrea, “Hindi ako makapaniwala. Napakalaking blessing na napakaganda ng taong ito sa akin in-terms of my career. I’m very, very happy talaga.”

Ayon pa kay Andrea ay love story ang nasabing international movie, na iikot sa kwento ng mahulog ang isang Argentinian sa kanyang character.

“Natuwa ako sa idea kung paano sila nag-meet, kasi parang destiny na magkita sila,” saad pa ng aktres.

Ibinahagi din ni Andrea na sumailalim siya sa three-day tango class para sa gagampanan niyang role.

Aniya, “Nag-lessons ako three days. Nagustuhan ko siya. Ang ganda nung sayaw. Very romantic and parang lumulutang. Feeling ko even after the movie, gusto ko pa rin mag-tango.”

“Para kayong as one ng partner mo. Napaka romantic niyang sayaw. “More of footwork and laging naka straight body, chin up. Something different so na-enjoy ko siya talaga,” dagdag pa nito.

Inensayo din umano ni Andrea ang pagsasalita ng Spanish dahil may mga lines siya bothSpanish at English.

“May pagkakapareho yung Spanish sa Tagalog so medyo madali na for us na sabihin yung mga salita nila. Pinabasa lang sa’kin ta’s minor adjustments. Meron lang konting tinuro,” pagbabahagi pa ng aktres.

Ilang larawan din sa kanyang Instagram account ang pinost ni Andrea. Habang siya ay nasa Argentina para sa taping ng kanilang pelikula.

Video noon ni Aljur Abrenica habang kumakanta ng ‘Still Loving You’ binalikan ng netizens

Albie Casiño tila may galit pa din hanggang ngayon sa ex-girlfriend na si Andi Eigenmann