in

Andrea Torres bilib sa pagiging strong woman ni Kylie Padilla, sinabing hindi na nito kailangan ng advice

Hanga ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa kanyang kaibigang si Kylie Padilla dahil sa pagiging matatag nito.

Naging magkatambal sina Andrea at Kylie sa eight-episode mini-series na BetCin. Na hindi nila akalain na tatangkilikin ng maraming manonood.

Ang ilang pictures at videos na pino-post nila sa kanya-kanyang Instagram account ay naging mabenta sa netizens.

Saad nga ni Andrea sa isang panyam sa kanya, “Nagulat kami, nagulat kami sa reception. And even po yung mga kasama namin sa BetCin, nagulat sila na ganito iyong reaction ng mga tao.”

Sinabi rin ng aktres na masaya siya para sa pagbabalik sa pag-arte ni Kylie, “Happy ako kay Kylie kasi feeling ko, ito yung perfect comeback sa kanya.”

Ang huling showbiz project ni Kylie ay ang TODA One I Love, isang series na ipinalabas sa telebisyon noong 2019, ang taong ipinanganak ni Kylie ang pangalawang anak nila ni Aljur Abrenica na Axl Romeo.

Napabilib din umano si Andrea kay Kylie dahil ng ginagawa nila ang BetCin ay kasunod nito ang paglitaw ng balita na hiwalay na ito sa asawang si Aljur.

Samantalang siya naman ay naka move-on na sa hiwalayan nila ng dating nobyo na si Derek Ramsay.

Sa tingin niya, noong nasa lock-in shoot sila, ang focus ni Kylie ay nasa character nitong si Beth.

Ayon kay Andrea, “Nag-mature siya. Tinatanong nga nila ako kung ano ang advice ko kay Kylie, sabi ko, hindi na niya kailangan. Kasi parang strong woman siya talaga.”

Child actor noon na si John Wayne Sace ibinahagi ang mapait niyang nakaraan sa panayam kay Ogie Diaz

Arci Muñoz papasukin na rin ang pulitika, tatakbong konsehal sa Cainta Rizal sa darating na eleksyon