in

Andrea Brillantes nanindigan na hindi niya pinagsabay sina Seth Fedelin at Ricci Rivero

Pinagdiinan ni Andrea Brillantes na hindi niya umano pinagsabay sina Ricci Rivero at ex-boyfriend na si Seth Fedelin.

Ayon sa young Kapamilya actress, hindi daw niya pinlano na magkaroon agad ng bagong nobyo. Ito ay matapos nilang maghiwalay noon ni Seth na nakarelasyon niya for two years.

Ito ang ibinahagi ni Andrea sa nakaraang vlog ng news anchor na si Karen Davila. Kung saan ikinwento din niya ang simula ng pag-iibigan nila ng current boyfriend niya na si Ricci.

“Wala po talaga akong plano na mag-boyfriend na ulit. Kasi galing po ako sa biggest heartbreak ko. Lost na ako, tapos habang nagkaroon ng issue sa biggest heartbreak ko na ‘yun, nam4tay din yung tita ko. Lahat ng hurt ko noon, pinagtawanan lang ng mga tao,” ani Andrea.

Pagpapatuloy pa nito: “Ako sobrang lost ko noon. Hindi ko nga alam kung paano mag-move on. Paano ba mag-move on sa tita ko tapos yung sa issues na sinasabi ng lahat ng tao?”

Nilinaw ng aktres na noong nakita niya si Ricci ay halos tatlong buwan na rin silang hiwalay ni Seth.

“Nu’ng nakita ko siya (Ricci), wala na rin naman kami nu’ng ex ko noon. Wala pong third party or anything. Nu’ng nakita ko siya, sawi pa rin ako du’n sa isa. Alam din naman yun ni Ricci,” paliwanag pa ng aktres.

Ayon pa kay Andrea, maging siya ay nagulat nang mahulog ang loob niya kay Ricci dahil hindi umano niya ito type noon.

Bea Alonzo binalikan ang umpisa ng career niya noon bilang isang extra

Gina Pareño nanawagan na sana ay muli siyang mabigyan ng trabaho bilang aktres