in

Andrea Brillantes namigay ng mga laruan at pagkain sa mga batang lansangan noong Pasko

Nagbahagi ngayon ng isang vlog si Andrea Brillantes na kuha pa noong December 25, 2021 sa gitna ng kontrobersiya.

Ang nasabing vlog ay kuha mismo noong Pasko noong nakaraang taon. Namahagi ang Kapamilya actress ng pagkain mula sa isang sikat na restaurant, bottled water at mga laruan para sa mga bata.

Dumepensa naman agad ang teen star sa mga bashers na tumulong na daw siya sa mga nasalanta ng bagy0ng Odette. Noong December bago mag pasko ay tinamaan ng super typh00n ang Cebu na nag iwan ng malaking pinsala.

Sa nasabing vlog, nag libot si Andrea kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Kayla at ang videographer niya na mga nakatulong niyang mamahagi ng ayuda.

Makikita ang mga ngiti ng mga bata habang inaabutan ng Kadenang Ginto star ng mga pagkain at laruan. Masaya din namang binabati nila Andrea ang mga ito ng Maligayang Kapaskuhan.

Bukod dito, nag tungo din noon sila Andrea sa Mandaluyong para naman sa mga nasugung4n. Nagpunta sila sa isa sa mga evacuation centers na ikinatuwa naman ng mga bata.

Kinantahan pa nila ang dalaga ng caroling song on stage. Sa kabuuan, namahagi si Andrea ng 350 food trays att 500 piraso na laruan.

Panuorin ang buong vlog dito:

Manager ni Francine Diaz na si John Ling itinanggi na may namamagitan kina Seth Fedelin at kanyang alaga

Kaya pinag-aagawan, Seth Fedelin ‘daks’ daw ayon kay Ogie Diaz