in

Andrea Brillantes naiyak sa hiya dahil sa kinalabasan ng kanyang live gaming stream sa Facebook

 

Hindi napigilang maging emosyonal ng batang aktres na si Andrea Brillantes matapos ang kanyang gaming Livestream.

 

 

Kamakailan lang ay naging usap-usapan si Andrea dahil sa paglalaro niya ng sikat na mobile gaming na Mobile Legends.

 

 

Kaya naman sa kanyang Instagram Stories ay hindi mapigilang maiyak ni Andrea sa hiya dahil sa kanyang gaming ability.

 

 

Dito ay nagbigay siya ng reaksyon tungkol sa kanyang karanasan sa nasabing livestream at sa kalagitnaan ng kanyang pagku-kwento ay naiyak na lamang siya bigla.

 

 

Ayon sa kanya ay hindi niya inaasahan na aabot ng 472 thousand ang kanyang viewers.

“Naiiyak ako, kuya. Kasi yung stream ko umabot ng 472k views, yung stream ko,” paguumpisang saad ni Andrea.

 

 

Ayon kay Andrea gusto niya sabihing nahihiya siya sa mga manonood pero gayunpaman ay nagpapasalamat daw siya sa mga ito.

 

 

“Gusto ko sabihin na nahihiya ako ng sobra pero thank you sa mga nanood, pero nahihiya ako ng sobra kasi hindi ako player tas lag pa ako.” ani Andrea.

 

 

“Siguro pinagtatawanan na nila ako, sinasabi na nila na bakit ba ako naglaro, buti na lang artista ka,” dagdag pa niya.

 

 

Hiyang hiya naman si Andrea at naiisip niya na baka pinagtatawanan lamang siya ng kanyang mga viewers.

Dahil sa hindi naman daw siya kagalingan sa paglalaro ng mobile legends.

 

 

“Kaya ako umiyak kasi sobra akong nahihiya”

“Na yun yung napanood niyo kasi hindi talaga ako magaling,alam ko naman yun,” emosyonal na saad ng aktres.

 

 

Saad pa niya na feeling daw niya ay pinagtatawanan lamang siyang ng mag manonood.

Isa si Andrea sa mga nakilahok sa event ng larong Mobile Legends.

 

 

Hindi naman kataka taka na madaming makukuhang views si Andrea dahil sa million followers niya sa social media.

 

 

Narito ang kanyang video:

“Bagong Laruan” Ni Ion Perez, Excited Na Pinakita Sa Madlang People!

John Lloyd Cruz Sa Anak Na Si Elias: “Utang ko ang buhay ko sa anak ko”