in

Andrea Brillantes at pag unfollow kay Francine Diaz, binigyan rason ng mga fans!

Fans ni Andrea Brillantes, may rason kung bakit nangyari ang pag unfollow ng kanilang idolo!

Usap usapan ngayon sa social media ang pag unfollow ng teen star na si Andrea Brillantes sa kapwa teen star din na si Francine Diaz.

Napansin kasi ng mga mapanuring fans na nawala sa mga following accounts ni Andrea ang Instagram ni Francine.

 

Nagkataon naman na umikot sa social media ang mga larawan ni Francine kasama ang on screen partner ni Andrea na si Seth Fedelin.

Sa ngayon ay deleted na ang nasabing Facebook post ng huli kung saan makikita na kasama ni Seth Fedelin ang buong pamilya ni Francine.

Nagkasama sila sa naging hit series ng ABS-CBN na Kadenang Ginto. Pero nagpatuloy ang kanilang friendships kahit natapos na ang kanilang proyekto.

Dahil dito, hindi maiwasan ng mga fans ni Andrea na isipin na ang dahilan ng pag unfollow ng kanilang idolo ay dahil sa naging deleted Facebook post ng co-star nito.


Naniniwala sila na naapektuhan daw ang kanilang idolo tungkol dito. Nagkataon din na may Tiktok video si Andrea na tila may kahulugan ang background music.

Sa ngayon, naka follow na muli si Andrea sa huli pero wala pa din komento tungkol dito.

Lolit Solis naintriga, napatanong kay Gerald kung ano nga ba ang naibigay na regalo nito noon kay Bea Alonzo

Robin Padilla nag-alala, nakiusap sa mga bumabatikos kay Kris Aquino