in

Andi Eigenmann umani ng papuri matapos walang arteng kumain ng ubod sa unang pagkakataon

Isang simple at walang kaarte-arteng Andi Eigenmann ang hinahangaan ngayon ng maraming netizens.

Masaya at kuntento na ngayon si Andi sa kanyang simpleng pamumuhay sa isla ng Siargao.

Kasama ang kanyang tatlong anak at ang fiancee niyang surfing champion na si Philmar Alipayo.

Noong una ay inamin ni Andi Eigenmann na hindi naging madali ang desisyon niya na manirahan sa isla ng Siargao.

Pero giit ni Andi, malaki ang pasasalamat niya sa nobyong si Philmar na tinulungan siya para maging madali para sa kanya na simulan ang bu’hay sa isla.

Dahil sa lockdown, naging pagkakataon ito para kay Andi at Philmar na ibahagi ang kanilang bu’hay

Sa pamamagitan ng kanilang vlog. Paraan din nila ito para ipakita ang ganda ng Siargao.

Taong 2018 nang makarelasyon ni Andi si Philmar, Noong Hulyo 23, 2019, ipinanganak niya ang kanyang pangalawang anak na si Keliana Alohi “Lilo” Eigenmann Alipayo. At noong Agosto 2020, inihayag ni Eigenmann na buntis siya sa kanyang pangatlong anak at pangalawa kay Philmar.

Disyembre 2020, nag-post si Eigenmann ng larawan kung saan nagpapakita ng singsing sa kanyang daliri.

At nito lamang taon ay ipinanganak na niya ang kanilang unico hijo na si Koa.

Hindi man aktibo sa showbiz ay patuloy naman sa pagbibigay update si Andi sa kanyang simpleng pamumuhay sa isla.

Sa YouTube channel nilang “Happy Islander” ay makikita ang mga activity nila sa pang-araw araw.

Kamakailan nga lang umani ng papuri ang naging reaksyon ni Andi. Ito ay nang first-time niya makatikim ng ubod.

Sa una ay alangan pang tikman ni Andi ang ubod, pero pinilit siya ni Philmar.

Nang matikman naman niya ito ay hindi na niya napigilan ang sunod sunod na pagkagat dito.

Panoorin dito ang kanilang video:

Jodi Sta Maria masayang ibinahagi na graduate na siya sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Sciene in Psychology

JM De Guzman dinaan sa kapirasong papel na may luha ang kanyang nararamdaman