in

Andi Eigenmann ipinasilip ang masaya at eco-friendly 2nd birthday celebration ni Baby Lilo

Isang simpleng ngunit masayang selebrasyon ang inihanda nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa kanilang anak na si Lilo.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Andi ang kanilang naging selebrasyon.

Imbes na cake isang soufflé pancake at diy na crown cake ang inihain nila ni Philmar.

At sa latest vlog naman ng Happy Islanders ay ipinasilip ni Andi ang naging celebration ng 2nd birthday ni baby Lilo.

Ginanap ito sa Green House sa Siargao. Habang umidlip muna ang birthday celebrant ay sinet up na nila ang venue.

Ang backdrop na ginamit for Lilo’s celebration ay eco-friendly, dahil lahat ito ay biodegradable or recycled.

Vegan mixed fruit ang berry ang cake ni Lilo na sobrang healthy lalo na for kids.

Nag-enjoy din ang mga kids sa mga inflatables sa open space area ng venue. May mga art activities din na inihanda si Andi for the celebration.

Tulad ng finger printing at paggawa ng tie dye shirts.

Kitang-kita naman ang saya ng birthday celebrant na si Lilo habang ine-enjoy ang inflatable slide habang inaalalayan siya ng kanyang ate Ellie.

Puro recycled stuffs din ang gamit nila Andi sa kanilang activity area. Kaya naman umani ng papuri si Andi sa pgiging creative mom nito.

At giliw na giliw din ang mga netizens sa pagiging hands-on ate ni Ellie.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Elie is such a well mannered sweet sister. You have raised her well. God bless your family!”

“It looks like the kids on this island are much happier than the kids in the city.Life is simple na yung mga bata naglalaro outdoors together with their friends”

Regine Tolentino matapang na isiniwalat na babaero at walang trabaho ang dati niyang asawa

Kylie Padilla ibinahagi ang set-up nila ngayon ni Aljur Abrenica matapos ang kanilang hiwalayan