in

Anak nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano may nakakatuwang ginawa sa kanyang online class

Chynna Ortaleza nagulantang sa nakakatawang ginawa ng kanyang anak sa kanilag online class.

Dahil pandemic pa din, ang mga estudyante ngayon ay nag-aaral pa din sa pamamagitan ng kanilang online calss. Maging ang mga bata mula Nursery at Elementary ay tanging sa online din ang mga klase.

Katulad na lamang ng anak ng aktres na si Chynna Ortaleza na si Stellar.

Si Stellar ay ang anak ni Chynna sa asawang si Kean Cipriano na vocalist ng bandang Callalily.

Sa kanyang Instagram, may nakakatuwang ibinahagi si Chynna bilang isang nanay na naka online class din ang anak.

Sa nasabing post, makikita ang picture na kuha umano ng mismong teacher ng kanyang anak. Makikitang may ginawang trick si Stellar sa kanyang mata habang na sa klase.

Ani ng natatawang ina sa kanyang post, “Yung pinadalhan ka ng viber message ng teacher ng anak mo sa mga pinaggagawa niya sa class nila.”

Dagdag pa niya, “Anak I’m so proud of you.. Naiiyak ako”

Galing daw ito kay Teacher Vicky ng kanyang anakn na si Stellar.

Tawang tawa naman ang mga kapwa artista ni Chynna sa ginawang ito ng kanyang anak.

May kanya kanyang istorya talaga ang mga magulang na naka online class ang anak. Isa na si Chynna dito.

Ellen Adarna walang prenong sinupalpal ang basher sa kanyang Instagram “new look” post

Liezl Sicangco nagbigay ng kanyang reaksyon sa interview ni Kylie sa amang si Robin Padilla