in

Anak ni Toni Fowler na si Tyronia tutol sa pakikipagbalikan ni Rob Moya sa kanyang ina

Mukhang nawala na ang amor ni Tyronia sa dating partner ng kanyang Mommy Toni Fowler na si Rob Moya.

Noong magkasintahan pa lang sina Rob Moya at Toni Fowler ay naging malapit na si Tyronia kay Rob.

Itinuring niya itong parang tunay niyang ama, Daddy pa nga ang tawag niya dito.

Kaya naman ng maghiwalay sina Toni at Rob ay si Tyronia ang talagang naapektuhan.

At ngayong sinusubukang muli ni Rob na ibalik ang dating pagtitinginan nila ni Toni ay tila hindi na pabor dito si Tyronia.

Ito ang ipinahiwatig ni Tyronia sa Facebook live ni Toni kamakailan, kung saan sinagot niya ang mga tanong ng netizens.

Partikular na kung may chance ba umanong balikan niya ang dating live-in partner na si Rob Moya.

Kahit hindi siya ang tinatanong ay kaagad na nagpahayag si Tyronia ng kanyang pagtutol. Aniya, masyado nang maraming nagawang mali sa kanila si Rob.

Bilang isang ina, sinubukan ni Toni na paliwanagan si Tyronia na pwede naman nilang patawarin si Rob. Sinabi niya ring marami na silang binibagay na chance kay Rob.

Umaasa naman si Toni na darating ag araw na mapatawad na ni Tyronia si Rob at ayaw niya umanong lumaking may galit sa puso ang kanyang anak.

Ibinahagi din ni Toni na ang magiging desisyon niya kung babalikan niya pa si Rob ay idedepede niya sa kagustuhan ng mga mahal niya sa buhay.

Kabilang na dito ang kanyang mga kapatid lalo na ang kanyang ate Mari.

At syempre lalong lalo na ang desisyon ni Tyronia.

Panoorin dito ang Facebook live ni Toni:

Beteranong aktor na si Albert Martinez ipinasilip ang car collection niya na umabot na sa 21 piraso

Ellen Adarna sinupalpal ang isang netizen na nagsabing “feeling gwapa” umano siya