in

Ama ni Nadine Lustre nagpost ng ‘groundbreaking’ photo, pahiwatig nga ba na maninirahan na sa Siargao?

Mukhang sa Siargao na nga talaga maninirahan ang pamilya ng aktres na si Nadine Lustre.

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litratong ipinost ng ama ni Nadine na si Ulysses Lustre.

Groundbreaking photos ang makikita sa nasabing larawan. Ngunit wala namang iba pang detalye kung para saan ito. Kung para sa bahay nga ba o negosyo.

Na-excite naman agad ang maraming fans ni Nadine sa bagong invesment na ito ng aktres.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Wow mukhang sa isla na nga talaga maninirahan si Nadine”

“Bahay siguro yan or negosyo congrats Nads and family”

“Mukhang magsasama na sa Siargao si Nadine at boyfriend niya ah”

“Congrats Nadine puro blessings ang natatanggap ah”

Matagal ng nang gumagawa ng ingay ang pananatili ng aktres sa magandang isla ng Siargao.

Nito lang ay nag-trending ang dalaga matapos mag-viral ang litrato sa social media habang bumibili sa isang tindahan.

Mukhang na-e-enjoy naman ng dalaga ang kaniyang pananatili sa Siargao. Sino ba ang hindi mawiwili sa isla gayong sobrang ganda, simple, at payapa ang mamuhay rito.

Isa pa doon rin naninirahan ang rumored boyfriend nitong si Christopher Bariou, may-ari at co-founder ng online magazine na BE Siargao. Ito rin ang founder at managing director ng isa sa mga luxury resort sa Siargao na Maison Bukana.

At nito lang rin nang mapabalita na pormal nang nagparehistro ang aktres sa Siargao. Nabanggit rin rito ng vlogger at talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang showbiz update vlog.

Marami tuloy sa mga netizens ang nag-iisip kung si Nadine na ba ang bagong Andi Eigenmann dahil mukhang invested na ito sa napakagandang isla.

Marco Gumabao nagpasintabi kay Jake Cuenca para sa eksena nila ni Kylie Versoza

Dimples Romana mala-teen age ang aura sa kanyang Instagram post!