in

Allan K nakapagpatayo ng muli ng bago niyang negosyo matapos malugi ng Zirkoh at Klownz

Balik negosyo ng muli ang stand-up comedian at TV Host na si Allan K.

Isa si Allan K sa mga negosyanteng naapektuhan din ang mga negosyo ng lumaganap ang pandemya sa bansa.

Matatandaan na nakaraang taon ay ipinasara na niya ang kanyang comedy bars na Zirkoh at Klownz.

Nagdesisyon si Allan K. na magdeklara ng bankruptcy. Labing-walong taon ding tumagal ang operasyon ng Klownz sa Quezon Avenue, Quezon City.

Labing-anim na taon namang namayagpag ang Zirkoh sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Ang isara ang Klownz at Zirkoh ang pinakapraktikal na desisyon ni Allan dahil, kahit sarado ang kanyang mga comedy bars, patuloy ang pagbabayad nila ng renta.

Pero kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ni Allan na muli siyang nagbukas ng negosyo. Hindi niya hinayaan na malubog at matalo siya ng pandemya.

Ito ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram post. Saad ni Allan, “New name, new game!!! Now open to serve you”

Isang resto bar ang bagong negosyo na ito ng stand-up comedian. Isinunod din niya ang pangalan nito sa Zirkoh comedy bar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @allan_klownz

Ang ilang celebrities at dabarkads niya ay masaya sa kanya tulad nina Julia Clarete, Ryan Agoncillo, Rodjun Cruz, Helen Gamboa, Igan, Jopay Paguia. MJ Marfori at marami pang iba.

Ayon naman sa sumunod na post ni Allan K, matatagpuan ang kanyang newly opened resto sa  Las Pinas.

“At sa mga nagtatanong naman sa location ng ZIRKO – block 40 lot 20 aventine hills, BF resort village, las pinas city. We’ll be happy to accomodate you”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @allan_klownz

Toni Fowler suportado ang dating partner na si Rob Moya sa nililigawan nito

Vice Ganda napaisip kung ano kaya ang nararamdaman ng mga anak ng corrupt officials