in

Aljur Abrenica binasag na ang katahimikan tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla

Breaking silence..

Ito ang bungad ni Aljur Abrenica sa kanyang latest post sa kanyang social media accounts.

Sa kanyang verified official Facebook page ngayong gabi ng Martes, October 19. Ibinahagi ni Aljur ang kanyang saloobin tungkol sa paghihiwalay nila ni Kylie.

Hindi na raw matiis ng aktor ang “sugar-coated” na mga pahayag ni Kylie tungkol sa kanya.

Kaya naman nakiusap si Aljur kay Kylie na sabihin na nito ang katotohanan. Sa likod ng pagkasira ng kanilang pagsasama.

Hinamon ni Aljur si Kylie na sabihin kung sino talaga ang unang nagloko. At kung sino ang sumira ng kanilang pamilya. At naging dahilan ng pagsuko umano ni Aljur sa kanilang pamilya.

Ani Aljur, “Kylie please tell them the truth. “Don’t hide and disguise your comments, statement for your self-gain.

“Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know.”

Humingi din siya ng dispensa kung hindi niya na umano napigilang magsalita. Kahit pa may usapan silang huwag nang magsalita sa publiko.

Noong una, okay lang daw kay Aljur na siya ang sisihin sa kanilang hiwalayan.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Aljur:

Madam Inutz hindi napigilang maging emosyonal sa sorpresang bahay at lupa ng manager niyang si Wilbert Tolentino

Kylie Padilla nanawagan para maipasa ang divorce bill sa bansa, matapos ang pahayag ni Aljur Abrenica laban sa kanya