in

Aljur Abrenica at AJ Raval spotted na magkasama sa isang hotel ngayong Valentine’s Day

Mukhang intimate ang date ng controversial stars na sina Aljur Abrenica at AJ Raval ngayong araw ng mga puso.

Spotted na magkasama ngayong Valentine’s Day sa isang hotel sa Tanauan, Leyte. Sina AJ at Aljur.

Sa Facebook page ng Haiyan Hotel and Resort ay pinasalamatan nila ang magkasintahan sa pagbisita ng mga ito sa kanilang lugar.

“Cheers to Aljur Abrenica and Aj Raval!Thank you for the visit here @ Haiyan Hotel and Resort,” saad sa caption ng nasabing post.

Kalakip nito ang larawan ng dalawa kung saan tila ilang araw silang namalagi sa hotel resort. Dahil kapansin pansin na magkaiba ang suot nila sa mga larawan.

Kasama din nila AJ at Aljur ang mayari ng hotel resort sa sumunod na post ng Facebook page.

Agad namang inulan ng samut-saring komento ang mga larawan na ito ng controversial couple.

Narito ang Ilan sa say ng netizens:

“SANA MY HIDDEN CAM SA KWRTO NILA”

“Uy mukhang may diligan na magaganap iba talaga si Aljur”

“Pag mahal mo ihotel mo tips from Aljur yan”

“So confirm na nga talaga kayo after hugas tusok naman title AJ”

Matatandaan na nakaraang taon ay inamin na ni AJ na nanliligaw nga sa kanya si Aljur.

Ito ay matapos lumabas ang balita na hiwalay na ang aktor sa kanyang dating misis at ina ng dalawang anak na si Kylie Padilla.

Pero hindi naman nila deretsahang inamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngunit kung ibabase sa mga larawan nila ngayon ay mukhang Confirm na nga talaga!

 

 

Vice Ganda at Ion Perez kinasal na pala sa Las Vegas noong October 2021!

Sa gitna ng kinakasangkutang kontrobersiya, Dawn Chang namigay ng mga damit na karamihan ay bagong bago pa