in

Alice Dixson ipinasilip na sa publiko ang itsura ng kanyang baby Aura

Unti-unti ng ipinapakita ng aktres na si Alice Dixson sa publiko ang itsura ng kanyang unica hija.

Sa Instagram stories ni Alice nitong Biyernes, nakabihis ang mag-ina ng costume bilang “The Incredibles”

Kitang-kita sa litrato na masaya ang dalawa na first time mag-celebrate ng Halloween together.

Bagamat ipinakita na ng aktres ang kanyang baby ay nananatili pa rin itong misteryo dahil nakamask si baby Aura.

Kahit nakasuot ng eye mask, pansin kay Baby Aura ang ilan niyang features.

May isa pang post ang beteranang aktres habang buhat niya si baby Aura ngunit nakatalikod naman ito kaya hindi pa rin nare-reveal ang tunay na itsura ni baby Aura. Twinning rin ang naging OOTD nila sa nasabing post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Pero mapapansin na tisay din ang anak ni Alice at mukhang foreigner.

Hindi pa ipinakikita ni Alice ang buong mukha ng kaniyang anak mula nang umuwi sila sa Pilipinas nitong Mayo.

Inanunsyo ni Alice noong Abril ang pagdating ng pinakabago nilang family member sa pamamagitan ng su’rr0gacy.

Kahit ang kanyang longtime non-showbiz partner ay nananatili pa ring misteryo sa publiko.

Pinapanatili ng aktres na pribado ang kanyang buhay pamilya. At hanggang ngayon nga ay nanatiling sikreto ang identity ng kanyang mag-ama.

Hindi tuloy maiwasan ng maraming netizens ang ma-curious kung ano nga ba ang itsura ng kanyang baby at partner.

Tanong nga ng marami, kailan kaya ang magiging face reveal ni baby Aura?

Baby nina Elisse Joson at McCoy de Leon luxury brand ang natanggap na regalo mula kay Mariel Padilla

Ogie Diaz nagsalita na, bumwelta na sa mga sinabi tungkol sa kanya ni BB Gandanghari