in

Alexa Ilacad emosyonal na ibinahagi kay Big Brother ang kanyang mabigat na pinagdadaanan “Ayoko sa taong nakikita ko sa salamin”

Naglabas ng mabigat na saloobin sa kanyang pinagdadaanan ang celebrity housemate na si Alexa Ilacad.

Kinausap ng former Goin’ Bulilit Star si Big Brother tungkol sa kanyang pinagdadaanan sa sarili.

Noong nakaraang araw, nagkaroon ng heart-to-heart talk si Alexa at kapwa housemate na si Benedix. Dito nabahagi ng aktres ang kanyang insecut1es sa kanyang sarili.

Malaki pala ang insecur1ty ni Alexa sa kanyang pangangatawan.

“Minsan nasubukan ko na hindi kumain ng apat na araw,” pagbabahagi niya.

Hindi niya din daw maiwasan na makumpara ang sarili sa ibang kapwa celebrities na mas payat ang pangangatawan.

“All my life lalo na growing up in the industry, all I’ve been hearing is ang taba mo, magpapayat ka…wala kang project kasi mataba ka. That stuck in my head forever.”

Dahil dito, minabuti na ni Big Brother na makausap ng batang aktres ang resident Psychiatrist-Psychologist ng Pinoy Big Brother na si Dr. Randy Dellosa.

Sa naging pagsusuri ni Dr. Randy, lumalabas na mayroong body dysm0rphia si Alexa. Base sa kahulugan nito, ito ay ang kundisyon kung saan “one worries too much about defects in his/her appearance.”

Lumaki na sa mundo ng industriya ng showbiz si Alexa kaya malaki ang apekto ng kanyang body figure sa kangyang mental health.

Nagpakita naman ng suporta ang mga fans ng aktres maging ang housemates sa loob ng bahay ni Kuya.

YouTube vlogger na si Von Ordoña niregaluhan ng 1 million flower bouquet ang kanyang girlfriend!

Paolo Contis may patama sa mga ‘Marites’ sa kanyang Instagram: “Small minds discuss other people”