in

Alexa Ilacad at Albie Casiño nagkainitan sa PBB dahil sa kanilang food budget

Mukhang magkakabangga ang dalawa Kapamilya stars na sina Albie Casiño at Alexa Ilacad sa loob ng PBB House.

Kapapasok pa lamang ni Albie sa loob ng Pinoy Big Brother House subalit tila may isang housemate na siyang ‘kinaiiritahan’.

Batay sa kanilang pag-uusap ng kapwa housemate na si Eian Rances, na ipinalabas sa Tuesday episode ng PBB.

Ayon kay Albie hindi niya nagugustuhan ang inaasta ni Alexa sa loob ng bahay ni Kuya.

“Dude, ayoko siya kung paano siya umasta dito,” saad ni Albie.

“Saka hassle pa kasi siya pa ’yung pinaka kilala ko dito. Happy pa ako noong una na makakasama ko siya. Tapos siya pa ’yung pinaka irita ako sa lahat,” dagdag pa ng aktor.

Lalong lalo na pagdating sa food budget nilang mga housemates

Isyu umano kay Albie ang pagtatago ni Alexa ng mga food items na gusto nito para sa sarili niya. Nagkainitan din sila sa pagpili ng ‘peanut butter’ para sa kanilang weekly food supply.

“Napaka walang hiya mo naman. Lahat tayo dito gutom,” bulalas pa ni Albie. Habang kausap niya ang kapwa housemates.

Pinayuhan naman ni Eian si Albie na habaan na lamang ang pasensya upang hindi ito pagmulan ng anumang conflict sa loob ng bahay.

Nagkasama na sila ni Alexa sa isang proyekto bago ang PBB. Ito ay ang ‘Init sa Magdamag’ na pinagbidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM De Guzman na natapos na rin bandang Setyembre nitong 2021.

Panoorin dito ang mga video clips:

 

Hindi daw nakatiis, pagbabalik ni AJ Raval sa social media pinuna ng mga netizens

Paolo Contis plano umanong dalawin ang anak na si Summer sa New York