in

Alex Gonzaga nakunan umano base sa Instagram post ni Lolit Solis! “Very sad na mawala ang baby mo…”

Alex Gonzaga, nakunan nga ba?

Ito ang ipinamalita ng talent manager na si Lolit Solis sa kanyang mga followers sa Instagram. Ayon sa kanya, may nakapag sabi daw sa kanya ng malungkot na balita.

Si Alex ay ikinasal na sa kanyang asawa na si Mikee Morada noong November 2020 pa pero inilantad lang jila ito noong January 2021.

Sa ngayon, wala pang post sa kahit anong social media si Alex at kahit ang ate nitong si Toni Gonzaga.

Panimulang caption ni Lolit, “Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin.”

Ayon kay Lolit, gusto daw maging ekslusibo ng actress vlogger ang malungkot na balitang ito sa kanyang channel o sa YouTube ni Toni.

Bukod dito, pinuna pa niya ang desisyon ng aktres na idaan pa daw ito sa vlog.

“Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita,” komento ni Lolit.

Pero nakakalungkot daw ang nangyari na ito kay Alex dahil first baby dapat nila nitong mag-asawa.

“Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa.”

Totoo nga ba ang balitang ito ni Lolit?

Xander Ford nabengga na naman ng mga bashers pagtapos nitong isama ang sarili sa K-Pop group na Enhypen!

Carla Abellana naging emosyonal ng payagan ng GMA na bumyahe papuntang New York para mabili ang kanyang wedding gown