in

Albie Casiño tila may galit pa din hanggang ngayon sa ex-girlfriend na si Andi Eigenmann

Bakas na mayroon pa ring hinanakit si Albie Casiño sa kanyang dating girlfriend na si Andi Eigenmann.

Kamakailan lang maanghang na mga salita ang minutawi ni Albie laban kay Andi. Nang makapayam siya sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Kumulitan livestream.

Mahigit sampung taon na rin ang nagdaan. Nang ulanin ng pagbabatikos at naantala ang dapat sana’y pagsikat ni Albie bilang teen star.

Dahil sa unplanned pregnancy ng kanyang noo’y girlfriend na si Andi. Nadawit kasi siya at pinagbintangan ng publiko na siya ang ama ng dinadala ni Andi, na kalauna’y napatunayan na hindi totoo.

Sa kanyang huling Kumu stream bago pumasok sa PBB house, sinagot ni Albie ang tanong ng isang fan na kaugnay ng isyu nila ni Andi.

Ayon sa kanya, hindi na raw niya pagtatakpan ang aktres.

“I don’t care, dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on. So, right, I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask,” sambit ni Albie.

“I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore.”

Ibinahagi pa ni Albie na wala siyang natanggap na sorry mula kay Andi nang madawit siya sa kontrobersiya nito.

Gusto raw sana ni Albie na kahit paano ay magrelease ng public apology si Andi dahil siya ang kinondena ng mga netizens noon, pero hindi na lang siya umasa dahil mukhang hindi naman ‘yun gagawin ng kanyang ex.

Andrea Torres pang international na, bibida sa isang Argentina film na ‘Pasional’

Marco Gumabao nagpasintabi kay Jake Cuenca para sa eksena nila ni Kylie Versoza