in

Albie Casiño nagpasalamat sa pagiging bahagi niya ng PBB kahit sandaling panahon lang

Nagbigay na ng kanyang pahayag si Albie Casiño matapos siyang lumabas sa loob ng Pinoy Big Brother House.

Tuluyan na ngang lumabas ng ‘Bahay ni Kuya’ sa 2nd ev1ction night ng PBB Kumunity Season 10 si Albie. Matapos ang botohan nitong Sabado, nakakuha si Albie ng 6.48% ng pinagsamang save and ev1ct votes.

Proud naman ang ina ng aktor na si Rina Casiño sa character building na napanood niya sa anak habang nasa loob ng Big Brother house.

Nagpasalamat naman si “Kuya” kay Albie sa pagpapakilala ng kaniyang sarili sa pananatili sa loob ng bahay.

Sa kanya namang latest Instagram post, isang video ang ibinahagi ni Albie upang magpasalamat. Sa ‘short but sweet’ na kanyang PBB journey.

Ani ng aktor, “Maraming maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta. So, ayun na nga, wala na ako sa bahay ni Kuya. Pero I’m still so thankful for the opportunity”

Saad naman ni Albie sa kanyang caption, “Thank you guys! I’m filled with so much emotions right now, I’m happy to be out but I’m sad cuz I miss my housemates! My pbb journey was short but sweet, i just wanna thank all my supporters mahal na mahal ko kayo lahat I really feel the love! We moving on to bigger and better things guys so hop on the bandwagon habang may space pa!”

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Isa sa mga huling pumasok sa loob ng bahay ni Kuya si Albie.

Kim Atienza may cryptic comment sa post ni Camille Prats tungkol sa pagiging direktor ni John Prats

Janno Gibbs isa-isang sinagot ang mga b@shers matapos burahin ang post niya tungkol sa Showtime