in

Albie Casiño nag-sorry na sa mga binitawan niyang salita laban sa dating nobyang si Andi Eigenmann

Humingi na ng patawad ang kapamilya actor na si Albie Casiño sa naging komento niya tungkol kay Andi Eigenmann.

Naging guest si Albie sa online talk show ni Toni Gonzaga na ‘Toni Talks’. Dito ay inamin ng aktor na mali ang kanyang mga binitawang salita tungkol kay Andi.

Nag-sorry din siya sa mga na-offend sa kanyang naging pahayag.

“My manager actually told me not to talk about this, but I feel like as a man, I have to,” aniya. “First of all, I really didn’t think that it would pick up that much [attention]. I really honestly didn’t think that it would spread like wildfire, what I said.

“And, I know now that I was wrong to say that. And I want to apologize to everybody who was offended by what I had to say.”

Hindi naman itinanggi ng aktor na nais niyang magsalita ng masakit kay Andi sa mga oras na ‘yon.

Saad ni Albie, “To be honest, I wanted to say something that would make her feel bad because of all the anger that I had; that I had pent up frustration that I had from all of the years. I felt like this would be a way for me to say something funny at the same time get back at her for what she did to me but I didn’t expect it to be taken that way”

Sa kanyang huling live stream sa Kumu bago pumasok ng Pinoy Big Brother house, maaanghang ang naging salita ni Albie nang tanungin ng fans tungkol kay Andi.

Isa na rito ay ang kanyang diretsong pag-amin na masaya siyang malaman na tumaba na ang aktres.

Gayunpaman, sa huli ay pinagsisisihan pa rin umano ni Albie ang mga binitawan niyang salita tungkol sa dating nobya.

China Roces hinangaan ng marami sa pagpayag nitong makita na ni Tim Sawyer ang kanilang anak

Girlfriend ni TJ naglabas ng sama ng loob sa Pinoy Big Brother laban sa isyu na kinasasangkutan ng nobyo