in

Aktres na si Ritz Azul ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Ikinasal na ang Kapamilya actress na si Ritz Azul sa kanyang first-and-last non-showbiz boyfriend na si Allan Guwi.

Naganap ang inti’mate wedding nina Ritz at Allan sa Alphaland Baguio Mountain Lodges kahapon, Nov. 20 na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ritz Alzul (@ritzazul)

Nagmistulang reyna sa ganda si Ritz sa suot nitong wedding gown na idinisenyo ng fashion designer na si Mak Tumang.

Kabilang sa kanyang glam team ang make-up artist na si Jason delos Reyes at hairstylist na si Mark Anthony Rosales.

Ibinahagi ni Mark sa kanyang Instagram ang ilang litrato ni Ritz habang naghahanda para sa kanyang kasal.

Isa sa mga naging bridesmaid ni Ritz sa kanyang kasal ay ang young actress na si Miles Ocampo.

2018 nagsimulang mag-date sina Ritz at Allan. “No Boyfriend Since Birth” (NBSB) si Ritz bago nito nakilala ang mister na niya ngayon.

Ibinahagi naman ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram post na engaged na siya kay Allan noong June 20, 2020.

Aniya sa caption ng litrato nila ni Allan kung saan makikita ang suot niyang engagement ring, “This Guy’s in love with me, pare. I love you too, Allan Guy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ritz Alzul (@ritzazul)

Napabalita rin na civilly married na ang dalawa bago pa man ang kanilang church wedding na ginanap nga kahapon.

Paolo Contis may patama sa mga ‘Marites’ sa kanyang Instagram: “Small minds discuss other people”

Edu Manzano kinumpirma na may relasyon na nga sila ni Cherry Pie Picache