in

Aktor na si Paulo Avelino nabigla, napamura dahil sa face changer app na inedit ang kanyang mukha

Nakakatuwa ang naging reaksyon ni Paulo Avelino sa ginawa ng kanyang fan sa kanyang itsura.

Usong uso ngayon sa social media ang face changer app. Kung saan pwedeng ilagay ang mukha ng kahit sino para magmukhan siya talaga ang nasa video.

Nagkalat nga online ay ang video ni Andrea Brillantes habang sumasayaw. At ito ang ginamit para sa face changer app.

Kanya kanyang entry nga ang mga netizen ng kanilang mga edited videos. Pati mga idolo nilang celebrities ay ginawan nila ng ganito.

At hindi nga din nakaligtas sa video editing trend na ito ang aktor na si Paulo Avelino.

Maraming fans ang nag-tag sa kanya sa video na ginawa ng isa niyang taga hanga.

Makikitang napakaganda pala ng aktor pag ito ay naging babae at bagay na bagay pa ang pag-giling nito sa video.

Kaya naman napamura na lang si Paulo ng nang mapanood ang face changer video niya na ginawa ng isang fan. Umani ng libo-libong views, likes, at retweets ang video; at halos lahat ng nagkokomento, iisa lang ang sinasabi: “Pakagandang babae ni Paulo!”

Nakakatuwang reaksyon ni Paulo dito, “Hoooy, mga p*nyeta!”

Maraming netizens naman ang hindi din napaigilan ang kanilang pagtawa sa nakakagiliw na reaksyon na ito ng aktor.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Bat naging kamuka ni Sam Concepcion?”

“Hala kabog ang ganda mo Paulo hahaha”

“Ahahaahaha ganda mo nga Pau! Hahaha”

“ganda mo naman paulinaaa. HAHAHAHAHAHAHA sorry na agad kuya”

May isang fan din na ipinagkumpara pa ang nakaraang litrato ni pPaulo na nakapang bahay sa edited video niya.

Anong say mo dito? Ang ganda ni Paulo no?

Kim Atienza binigyan ng payo si Palo Contis tungkol sa kinakaharap nitong kontrobersiya ngayon

Vilma Santos ibinahagi ang kanyang unang reaksyon ng isinilang ang anak na si Luis Manzano “parang malaking daga”