in

Aktor na si Eric Fructuoso magiging Lolo na! Ibinahaging nasasabik na sa pagdating ng kanyang apo

Sa edad na 44, magiging lolo na ang dating matinee idol at member ng grupong Gwapings na si Eric Fructuoso.

Dahil ikakasal na at magkaka-anak na ang kanyang panganay na si Frederick.

Sa isang video na pinost ni Eric sa Instagram, nagbigay siya ng payo sa kanyang panganay tungkol sa pagiging isang asawa at ama.

“Ikakasal ka na. Magkaka-baby ka na. Heto ha! based on experience lang, ha? Hindi ko sinasabing sundin mo, hindi ko sinasabing gayahin mo ako. Pero marami akong pagkakamaling ginawa, especially sa mommy mo, sa mga sumunod na… Ito ang payo ko sa ‘yo. Alagaan mo ‘yung asawa mo. Papakinggan mo siya, susundin mo siya,” saad ni Eric.

Dagdag pa niya, “Huwag kang magpapadala sa temptation dahil, anak, sinasabi ko sa ‘yo, hanggang sa edad ko ngayon, tinatrabaho ako ng babae lagi. Hindi ko na-experience manligaw, anak, pero lagi akong tinatrabaho. Kaya alam mo ‘yon, minsan nauuto ako, nadadale. Wala, eh… marupok ako. Naniniwala pa ako. Kapag sinabing ‘I love you,’ ako naman ‘I love you rin.’

“So, ibig sabihin, be true to your wife. Love her, love her like there’s no tomorrow, and enjoy-in mo lang. Huwag kang magpapaniwala sa ibang babae, ha?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Nagbahagi din si Eric ng litrato nilang mag-ama at ang ang fiancee ng anak. Kung saan inilahad niya ang pagkasabik sa kanyang apo.

Ani Eric, “Nanggigigil ako na galingan pa lalo para sa mga Anak ko, sa Apo kong si Leo, sa mga future Apo at sa magiging asawa ko (toink ) mahal na mahal na mahal ko kayong lahat! Ako na bahala sa inyo love you anak”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Ina ni Donnalyn Bartolome ibinunyag ang mga nagawa ng anak para kay Nanay Josie

Viral Online seller na si Madam Inutz ipinakita ang kanyang nanay na isa sa inspirasyon niya para kumayod