in

AJ Raval, sinita ng kanyang ama na si Jeric Raval dahil sa suot nito habang nagka-carwash.

Nakatikim ng sermon si AJ Raval mula sa kanyanag amang si Jeric Raval.

Maraming mga artista ang kanya-kanya nang upload sa kani-kanilang vlog sa Youtube.

Kung saan ibinabahagi nila ang ilang mga pangyayari o bagay sa kanilang personal na buhay sa likod ng camera.

Sa pamamagitan ng mga vlog na ito, mas lalo pa silang nakikilala ng mga fans hindi lang bilang isang artista kundi isang kapatid o kaibigan.

Isa na nga sa mga artistang pinasok ang pagva-vlog ay si AJ Raval.

Matatandaan, mabilis na naging viral ang video upload niya kung saan naglilinis siya ng kanyang kwarto.

Ang “Cleaning My Room” vlog ni AJ ay naging instant trending dahil maraming netizens ang nakapansin sa kaseksihan niya sa naturang video.

Halos isang araw pa lang noon ng ibahagi niya ang video ay nagkaroon agad ng million views. Patunay lamang na iba talaga ang karisma ni AJ.

At kamakailan lang isang panibagong video na naman na tiyak kagigiliwan ng kanyang mga fans ang ibinahagi ng aktres.

This time ay maglilinis naman si AJ ng sasakyan na aniya first time niyang gagawin. Ang kanyang nilinis na sasakyan ay pick up na itim kaya medyo may kalakihan.

Sa umpisa ng kanyang video ay enjoy na enjoy ang dalaga sa paglilinis kahit hindi umano siya marunong.

Hindi niya alam kung paano uumpisahan pero unti-unti naman niyang nalilinis ito.

Habang nagka-car wash napakaseksi talagang suot ni AJ na talagang kita ang hubog ng kanyang katawan.

Nakaputi lang siya dress o tila kamiseta kaya naman ng mabasa ay bakat na ang kanyang panloob.

Kaya naman paglabas ng kanyang amang si Jeric Raval ay matinding sermon ang kanyang inabot.

Sinabi ng aktor na maglilinis lamang siya ng kotse ay ganun pa ang kanyang suot, literal na reaksyon lamang ng isang amang ayaw mabastos ang kanyang anak.

 

Batikang Hollywood singer na si Brian McKnight, isa palang Pinay ang kanyang napangasawa.

Opinyon ni Jeric Raval tungkol sa sames3x marriage dinepensahan ni RR Enriquez