in

AJ Raval nilinaw na ang mga chisimis tungkol sa kanila ni Diego Loyzaga: “Si Diego po hindi po never po nanligaw si Diego sa akin”

Sa unang pagkakataon, nagsalita na si AJ Raval tungkol tungkol sa isyu sa kanya ngayon.

Naging mainit muli ang pangalan ng aktres nitong mga nakaraan na nag umpisa sa naging paratang ni Xian Gaza sa kanya.

Nag post kasi si Xian na pinuntahan umano ni Diego si AJ sa kanilang bahay sa Pampanga habang ang girlfriend na si Barbie ay na sa Manila. Sinundan pa ito na niligawan umano ng sabay ang dalawang aktres.

Ngayon, pinili nang magsalita ng Viva aktres tuingkol sa isyu at ito na daw ang una at huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol dito.

“Si Diego po hindi po never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego. One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. Ayon lang po.”

Wala din daw siyang personal contact sa magkasintahan. Nagkasama lamang daw sila sa trabaho ni Diego noong movie project nila.

“Sa totoo lang, wala po akong contact sa kanila… kay Diego. Hindi po kami nag-uusap.”

Napanood din daw niya ang interview ni Barbie kung saan nagkaroon ng mainit na pahayag ang huli tungkol sa kanya. Pero wala daw siyang kahit anong sama ng loob sa aktres.

Dra. Vicki Belo tinitiis pa din ang anak na si Scarlet Snow na hindi ibigay ang lahat ng gusto

Cesar Montano nakasama muli ang mga anak ng dating asawang si Sunshine Cruz