in

AJ Raval ipinamalas ang galing niya sa pagluluto ng Kapampangan dish

Hindi lang ang kagandahan at kaseksihan ang kayang ipakita ni AJ Raval, kundi pati na din ang husay sa pagluluto.

Sa kanyang latest vlog ay ipinamalas ni AJ ang kakayahan niya sa pagluluto.

At syempre, kahit tungkol lang sa pagluluto ang kanyang video ay napakaseksi pa din nitong si AJ sa kanyang suot.

Kasama ang kanyang Ate Ericka, sila ay nagluto ng Kapampangan dish na ‘Sipo Egg’

Ang mga sangkap na kanilang ginamit ay, mixed veggies, quail eggs, luncheon meat, bawang, sibuyas at hipon.

Saad naman ng ate ni AJ na kung sakaling allergic sa seafoods ay pwede naman chicken ang ilagay.

Meron din all-purpose cream para sa sarsa at salt and pepper para panimpla. At hanggang sinimulan na nila ang procedure sa pagluluto ng ‘Sipo Egg”

Si AJ ay naging taga-panood lang kung paano magluto ang kanyang ate, saad pa nga niya ay nandon siya para kumain.

Pero siya din ang naggisa ng mga sangkap habang tinuturo ng kanyang ate ang mga instructions.

Naibahagi din ni AJ sa kanyang vlog ang mga nickname nilang magkakapatid na malayo sa tunay nilang pangalan.

Ang tawag pala sa kanya noong bata pa siya ay ‘Babatong’ ngunit hindi naman inexplain ni AJ kung bakit.

At hanggang sa natapos na ang kanilang pagluluto, ng matikman ay nagbiro pa si AJ.

Na nakalimutan na umano niya ang kanyang pangalan sa sarap ng kanilang niluto.

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang video na ito ni AJ.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Ang sarap ng niluluto nyo guys, asan si idol Jeric”

“yown galing maghalo ni idol, pwede na tayo mag asawa”

“marunong na magluto pwede ng mag-asawa lodi”

Panoorin dito ang kubuuan ng vlog ni AJ:

Exclusive interview nina Coco Martin at Julia Montes kay MJ Felipe kinakikiligan ngayon ng CocoJuls fans

Beteranong aktor na si Albert Martinez ipinasilip ang car collection niya na umabot na sa 21 piraso