in

AJ Raval inaming hindi sila “close” ni Barbie Imperial sa gitna ng isyu nila ni Diego Loyzaga

AJ Raval at Barbie Imperial, hindi pala “close” sa personal.

Ito ang maliwag at mariing sabi ng rising actress na si AJ Raval sa naging virtual interview niya.

Kahapon, December 4, binasag na ng anak ni Jeric Raval ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu na kanyang kinasasangkutan.

Pinapalabas kasi ni Xian Gaza na sabay niligawan ni Diego Loyzaga ang nobyang si Barbie Imperial at AJ. Sinabi din nito na pumunta pa mismo ang aktor sa bahay nila AJ sa Pampanga.

Isa din ito sa mga nilinaw ng aktres kahapon. Mariin niyang itinanggi lahat ng paratang sa kanya. Hindi daw nangligaw si Diego at hindi din ito pumunta sa kanilang tahanan.

Bukod dito, natanong din ang aktres tungkol sa kanyang ugnayan sa showbiz couple. Dito na nilinaw ni AJ na wala siyang komunikasyon sa dalawa.

Hindi din daw sila “close” ni Barbie.

“Ah, hindi po kami close,” sagot ni AJ. Dagdag pa niya, “Parang hi, hello lang po talaga. Isang araw ko lang po siyang nakasama. Nu’ng isinama po ako sa event nilang magkakaibigan. Isang araw lang po.”

Nitong nakalipas na araw, tila nagkairingan ang dalawang aktres sa social media. Naging mainit din ang sagutan ni Barbie tungkol kay AJ sa kanyang interview.

Cesar Montano nakasama muli ang mga anak ng dating asawang si Sunshine Cruz

Bikini photo ni Kris Bernal sa kanilang latest beach getaway agaw pansin sa social media