in

AJ Raval dedma sa mga bashers, ibinahagi ang style ng panliligaw sa kanya ni Aljur Abrenica

Hayagang inamin ni AJ Raval kung paano siya nililigawan ni Aljur Abrenica.

Talk of the town nga ngayon sina AJ at Aljur. Kabi-kabila ang mga usaping lumalabas tungkol sa kanilang dalawa.

Kamakailan nga ay inamin na ni AJ na nagkakamabutihan na nga sila ni Aljur. Aniya, “We understand each other. We care for each other pero we know our priorities. Wala po kaming relationship… parang ano lang din po… dating.”

“Sabi ko naman po kanina, we know our priorities. May mga bagay na dapat unahin, lalo na po sa kanya. May mga problem na dapat ayusin po. Hindi pa po kami both ready sa relationship siguro,” dagdag niyang pahayag.

Maayos naman daw ang panliligaw ni Aljur dahil kinausap daw ang magulang niya. “Parang old school po siya. Pumupunta po siya sa father ko, nagpapaalam po siya sa mother ko, sa family ko,” saad ni AJ.

Naintindihan naman daw niya ang parents niya na kailangang kausapin muna si Aljur, kung ano talaga ang pakay sa kanya. “Hindi naman po natin masisisi ‘yun dahil babae po ako. Tinatanggap naman po siya.

“Si Aljur naman po nakikita naman po nila na totoo po. Maganda po ang intention niya. Ayun po, okay naman po sa tatay ko. May mga advice lang na hindi ko rin naman po siguro puwedeng sabihin ngayon dito,” sabi pa ni AJ.

Samantala, maraming netizens naman ang hindi naniniwala kay AJ na nagliligawan pa lang sila ni Aljur.

Lalo na ng may kumalat na video at picture ng dalawa na sweet na namimili sa isang mall. Holding hands while walking pa nga ang peg ng dalawa.

May video din na nakaakbay si Aljur kay AJ at nakahawak naman sa bewang ng aktor ang dalaga.

Madam Inutz nag-eempake na para sa pagpasok sa PBB, mga staff naloka sa gamit na dadalhin niya

Kantang ‘You Betrayed Me (Traitor)’ sa IG stories ni Axel Torres para nga ba kay AJ Raval?