in

Aiko Melendez hindi inaasahan ang pangakong binitawan ni Ogie Diaz para sa kanyang mga anak

Hindi naipigilan ni Aiko Melendez ang maging emosyonal sa naging panayam niya kay Ogie Diaz.

Sa latest vlog update ng aktres na si Aiko Melendez ay naging guest niya si Ogie Diaz. Kung saan maraming bagay ang kanilang napag-usapan.

Tungkol sa pulitika, sa showbiz, at sa kanilang mga personal na buhay.

Sa simula ng kanilang video, pabiro pang sinabi ni Aiko na ito na daw ang 199thousand times na nagsama sila ni Ogie sa isang content.

Binati naman siya ni Ogie ng Happy Father’s Day.

Dahil bilang single mom ay nakaya niyang itaguyod ng mag-isa ang kanyang dalawang anak sa kanyang mga dating asawa.

Saot naman dito ni Aiko ay kinaya niyang lahat dahil na din daw laging nasa tabi niya si Ogie Diaz.

Isa pa nga daw ito sa mga unang sinabihan ng kanyang anak ng ito ay gumraduate.

Isa daw ito sa pinapasalamat ni Aiko kay Ogie, dahil parang mga sariling anak na din daw ang turing nito sa kanyang mga anak.

Ibinahagi naman ni Ogie na simula pa lamang noong kabataan ni Aiko ay sila na ang magkasama.

Kaya naman isa daw ang aktres sa tinuturing niiyang pinakamalapit na kaibigan niya sa industriya ng showbiz.

Binigyang papuri naman ni Aiko si Ogie dahil sa mga kabutihang nagawa nito sa kanyang pamilya.

At napalaki nito ng tama at mababait ang kanyang mga anak sa gitna ng maramin niyang pinagdaanan sa buhay.

May isang parte naman sa kanilang pag-uusap na hindi napigilan ni Aiko na maiyak.

Ito ay nang ipangako ni Ogie na kung sakaling mawala siya sa mundong ito ay sasaluhin niya ang obligasyon sa kanyang mga anak.

At sa huli ay ganun din ang ipinangako ni Aiko kay Ogie.

Panoorin dito ang kanilang video:

Andrea Brillantes binigyan ng surprise birthday party ng ilang malalapit na kaibigan

Walang kaarte-arteng pagtitinda ni Angeline Quinto sa kalsada hinangaan ng maraming netizens