in

Aamin na nga ba? Dominic Roque hindi na nakapagpigil, sinabihan ng “i*y” si Bea Alonzo

Marami ang kinilig sa comment ni Dominic Roque sa ibinahaging larawan ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Mtatandaan na noong July 9, ay lumipad patungong Los Angeles California si Bea.

Una nang nabanggit ni Bea na magbabakasyon muna siya bago simulan ang mga nakapilang trabaho niya sa GMA Network.

Matagal na raw niyang napagplanuhan ang bakasyong ito.

Ang hindi nabanggit ni Bea ay kasama rin pala sa bakasyong ito ang rumored boyfriend niyang si Dominic.

Marami kasi ang nakapansin nito dahil sa ibinahaging Instagram stories ni Dominic na kaparehong taco restaurant na binisita ni Bea sa L.A.

Kasabay ng mga post nila ay ang pagsulpot ng mga kuhang larawan ng dalawa sa airport.

Kasama ang ilang airport personnel.

Ipinost ito ng airport personnel sa kanyang Instagram Story, at naka-tag pa sina Bea at Dominic.

Bagamat madalas mag-post ng tugmang photo ang dalawa via social media, hindi sila nagpo-post ng mga larawang magkasama.

Samantala, muling kinakiligan ng marami ang iniwang komento ni Dominic.

Ito ay sa bagong Instagram post ni Bea, nakasuot ito ng white dress na may cherry print habang nasa beach. Base rin sa post ng aktres, kinunan ang litrato sa Malibu, California.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Hindi naman naiwasan ng netizens na muling mag-ingay dahil sa nakakakilig na comment ni Dominic na “i*y” sa larawan ng aktres.

Marami ang nag-interpret sa comment na “ILY” o “I love you” raw ang ibig sabihin nito. Sa text messaging or internet slang, ang “ILY” ay abbreviation ng “I love you.”

Bukod sa “i*y” ay sinamahan pa ito ni Dominic ng kiss emoji. Sa loob lamang ng isang oras, umani ang comment ni Dominic ng mahigit 13,373 likes.

Tanong tuloy ng marami, aamin na nga kaya ang dalawa?

Ellen Adarna inamin kung sino ang aktor na kinahuhumalingan niya mula pa noon

JM De Guzman itinuturong dahilan sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla