in

91-anyos na Lolo na hindi na makalakad napakanta sa tuwa ng mabigyan ng tulong ni Raffy Tulfo

Hindi mapagsidlan ang tuwa ng isang 91-anyos na Lolo sa mga ibinigay na tulong sa kanya ni Raffy Tulfo.

Kilala si Idol Raffy na matulungin lalo na sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong. Hindi lang personal kundi pati na rin pinansyal.

Sa pamamagitan ng kanyang programang Raffy Tulfo In Action ay dumudulog ang mga kababayan natin kay Idol Raffy.

Marami naman ang saludo sa batikang Radio Announcer at host sa kanyang kabutihang loob.

Kamakailan nga lamang ay isang hikahos sa buhay ang muling natulungan ni Idol Raffy. At ito ay ang 91-anyos na si Lolo Erenio.

Dumulog sa tanggapan ni Idol Raffy si Roselyn Mansalon, ang apo ni Lolo Erenio. Upang hilingin na matulungan magkaroon ng wheelchair ang matanda.

Hirap na kasi na makalakad si Lolo Erenio dahil sa natamo nito sa aks1dente sa kanyang trabaho noon.

Kwento ni Roselyn, nagkakarga noon ng tubo ang kanyang lolo nang mahulog ito at naging dahilan ng hindi na niya paglakad ng maayos.

Sa ibinahaging video ng “Wanted sa Radyo” ay makikitang gumagapang na lang si Lolo Erenio kapag kumikilos ito. Bahagya lamang siyang nakakatayo at pilit na nakakaupo ng maayos.

Kaya naman ng mailapit na ito kay Idol Raffy ay agad niyang tinugunan ang panghihingi ng tulong ni Roselyn.

Sa pamamagitan ng napagbentahan nina Tulfo at misis nitong si Rep. Jocelyn Tulfo sa mga gamit nilang nila sa kanilang ‘ISN’ o ‘Idol Shopping Network’, nabigyan nila ng Php25,000 si Lolo Ernio para sa wheelchair nito at mga vitamins gayundin ang request nitong pagkain tulad ng litsong manok.

Tinawagan din ni Idol Raffy ang kanyang anak na si Ralph at nagdagdag pa ito ng Php25,000 para kay Lolo Erenio.

Panoorin dito ang kabuuan ng video:

Jinkee Pacquiao nag-flex ng kanyang mamahaling carpet, nagbiro pa na baka isama din sa computation

Usap-usapan ngayon ng netizens, Kim Chiu tatanggalin na nga ba sa It’s Showtime?