in

83-years-old na lola, pag-akyat sa 30feet na puno ng kawayan ang kabuhayan

Pinabilib ng 83-anyos na lola ang marami dahil sa angkin niyang kakayahan.

Kinilala ang 83-years-old na lola na si Gloria Gillado na hinahangaan ngayon ng maraming netizens.

Ito ay dahil sa kanyang kalakasan at kaliksihan dahil kaya niya pang umakyat sa 30 talampakan na puno ng kawayan.

Dahil ito umano ang hanap buhay ni Lola Gloria ng Barangay Aguiauan sa bayan ng Miag-ao, Iloilo.

Ang mga nakukuha niyang kawayan ay ginagawa niyang basket, aniya mula pa kasi edad na 10, ito na ang kanyang ginagawa at ikinabubuhay.

Nasa 50 taon nang biyuda ang matanda. Nabiyayaan man ng tatlong mga anak, may kanya-kanya na itong pamilya. Tanging ang 18-anyos niyang apo ang kanyang kasa-kasama.

Subalit hindi naman siya nito basta matulungan dahil madalas pa rin itong sumpungin ng hika. Maging ang mga kapitbahay ni Lola Gloria ay labis na nag-aalala sa buwis-bu’hay na pag-akyat niya ng puno.

Upang may pangtustos sa pang araw-araw ay kinakailangan niyang umakyat ng puno ng kawayan upang makakuha ng hahabiin.

Kapag nasa taas na ng puno ng kawayan, ang isang kamay ni Lola Gloria ay nakakapit sa puno, habang ang isa naman ay hawak ang itak na ipinampuputol nito ng kawayan.

Ang kanyang nahahabi at ginagawa niyang basket at ibebenta ito upang kumita siya.

Naitampok ang kuwento ni Lola Gloria sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) nitong Linggo, July 5.

At dahil sa KMJS, naipa-check up si Lola Gloria na nakamamanghang normal pa rin ang heart rate sa kabila ng kanyang edad. Nabisita na rin ito ng MSWD ng kanilang lugar na nagpaabot pa ng bigas at makakain.

Hindi na rin kailangan pang umakyat ni Lola Gloria sa punong kawayan dahil ang Tourism office na ang magsu-supply sa kanya ng kanyang gagamitin sa paggawa ng basket.

Ivana Alawi binilhan ng bagong motor ang kapatid na si Hashim makatapos niya itong hindi pansinin ng isang buong araw

Janus Del Prado may pasaring sa mga nega sa paglipat ng kaibigan na si Bea Alonzo sa Kapuso Network