in

8-anyos na bata, tumatayong magulang na sa nakababatang kapatid at tagapag alaga sa ina na may sakit

Sa murang edad, pilit nang inaasikaso ng 8-anyos na batang ito ang kanyang pamilya.

Maraming mga bata ang napipilitan nang akuin ang responsibilidad sa loob ng kanilang tahanan sa napaka murang edad.

Isa na dito ang 8-anyos na batang babae na kinilala nilang si Jenny Barobo. Sa kanyang edad, siya na ang nag-aalaga sa kanyang nakababatang kapatid.

Bukod pa dito, siya din ang nagaasikaso sa nanay niyang may sakit.

Sa upload ni Virgelyn Cares 2.0 sa kanyang YouTube channel, naabutan niyang nangungutang ng asukal at kape si Jenny sa isang tindahan.

Ayon sa may ari, madalas daw nangungutang ang batang babae ng asukal at kape na siyang nagsisilbing pagkain sa mag hapon ng kanilang buong pamilya.

Kung minsan daw ay nangungutang din ito ng bigas at uling.

Ang hanapbuhay daw ng ama ni Jenny ay pangingisda. Sa kasamaang palad, hindi daw araw-araw nakakauwi ng huli ang kanyang ama kaya napipilitan silang mangutang ng makakain.

Hirap daw talaga sa buhay ang pamilya ni Jenny lalo na at may sakit at hirap kumilos ang ina nito na siyang dahilan para hindi makapag tinda ng nahuling isda.

Agad naman nag bigay ng tulong si Virgelyn at binayaran ang listahan ng utang ng pamilya ni Jenny sa tindahan.

Bukod pa dito, nag bigay din siya ng limang sakong bigas.

Maraming netizens naman ang naantig sa kwento ng walong taong gulang na ito kaya nais din nila magpaabot ng tulong.

Maureen Wroblewitz ipinasilip ang kanyang Bangus-inspired costume para sa Miss U PH 2021

Rufa Mae Quinto nagpasalamat kay Heart Evangelista para sa pagtulong nito mabenta ang kanyang luxurious item collection