in

19-years old na binata nag-propose sa 76-years old na ginang, kanilang relasyon usap-usapan ngayon online

Usap-usapan ngayon ang wedding proposal ng isang binatang edad 19, sa kanyang girlfriend na 76 years old na.

Ayon nga sa kasabihan ‘age doesn’t matter when it comes to love’. At iyan nga ang pinatunayan ng magkasintahang viral ngayon sa TikTok.

Kamakailan nga lamang, marami ang humanga sa binatang si Guisepoe D’Anna. Ibinahagi niya kasi sa kanyang TikTok account na may 191,000 followers ang isang video.

Kung saan naka-compile ang mga larawan na kuha nang mag-propose siya sa kanyang nobya. Makikitang may hawak hawak siyang bouquet of flower at heart shape balloon habang nakaluhod sa harapan ng 76-years old na ginang.

Makikita din sa video ang caption na ”La nostra promessa’ o ”our promise” sa English translation. Maraming netizens naman ang humanga pero mayroon ding nawindang sa videong ito ng magkasintahan.

May ilang nagsabi na baka lola daw ito ng binata at mali lamang ang pagkakaintindi nila sa nais iparating ng video.

Narito ang ilan sa mga komento:

“She could be his grandma”

“What’s with people falling in love with people twice their age”

“I say it’s better to keep these types of relationships private and not public”

Tanging sagot lamang ng binata sa mga nega comments ay, “‘This is only the beginning of a long series”

Kasalukuyang tumabo na sa mahigit 74-M views ang naturang TikTok video.

Ito na ngayon ang buhay ng dating sikat at napakagandang aktres na si Charee Pineda

Malawak na farm sa Tanay Rizal, pagmamay-ari pala ni Sarah Geronimo!